The former Secretary General of the Pambansang Ugnayan ng mga Nagsasariling Lokal na Organisasyon sa Kanayunan (UNORKA), slain last April 24 in Davao del Norte by still unidentified men, was given a tribute early today in Manila before he was laid to rest in Davao City in the early afternoon. Read more.
PAMAMAALAM KAY KA ERIK
Tuluyan ka nang lilisan
di ka na mapagmamasdan
di ka na mapakikinggan
di ka na makakamayan
di ka na maaanyayahan
subalit titiyakin ang iyong kadakilaan.
Tuluyan ka nang lilisan
ihihimlay ang pagal na isipan
ihihimlay ang puyos ng damdamin
ihihimlay ang paos na tinig
ihihimlay ang nagsisilakbong galit
subalit kailanma’y di mapaglilinlangan.
Tuluyan ka nang lilisan
hahagipin ang bagong pagkakilanlan
hahagipin ang iyong kamalayan
hahagipin ang bagong pakikipagsapalaran
hahagipin ang iyong katuwiran
subalit di mapagkakaitan ng paninindigan.
Tuluyan ka nang lilisan
idadalangin ang iyong kasiyahan
idadalangin ang iyong katarungan
idadalangin ang iyong kapayapaan
idadalangin ang iyong kaluwalhatian
subalit walang pag-aalangang ipaglalaban.
Tuluyan ka nang lilisan
iluluha ang panghihinayang
iluluha ang pait ng pagkawala
iluluha ang sakit ng paglisan
iluluha ang hapdi ng kabalintunaan
subalit mananatiling buhay ang hangarin.
Sa iyong paglisan
saan mang luklukan
saan mang tahakin
saan mang kalawakan
saan mang daluyan
lilinangin ang nakagisnan.
GR Lazaro, 07 Mayo 2006
Gari, kasama
Isang tulang napakaganda.
Tiyak akong si Ka Eric
Ay nais sayong humalik. 🙂
Salamat, kasama.